May mga bagay minsan naiisip mo at bigla mong nararamdaman na nag-iisa ka pala. Lalo na pag wala kang ginagawa at tulala habang nakahiga. Mga taong dumadaan, nakakasama,nakikilala at nag nagkakaroon ng matinding "impression" sa iyo. Bigla mo na lang nasasabi yung salitang "SANA..." o "BAKA SAKALI...". Di ko talaga akalain na babalik ako sa "SQUARE ONE" sa aspeto ng L.O.V.E. pero sobrang AYOS!!! Masaya ako kung nasaan ako ngayon. Nakakapag lakbay, nakaka kilala ng mga tao at unti unti akong nababago ng mundo. Ang pinaka ayos sa lahat ay mas nabibigyan ko ng atensyon, halaga at pagmamahal ang sarili ko. Na minsan kong nakalimutan. Nakalimutan ko si Kristina Malaya. 360 degrees nag bago ang pananaw ko sa buhay at lalo na sa iilang aspeto. Pero ako pa din ito ngunit... with great improvements... mas pinatibay... hahahahaha!!! Mas naramdaman ko na buhay ako. At mas ninanamnam ko ang buhay. Tuwing makakaakyat ako sa tuktok ng bundok,pag nakakarating na ako sa finish line o pag nakararating sa isang ma ala pulbong buhangin at krystal sa linaw na tubig ng dagat; napapa ngiti ako at nasasabing "NAKAPA GANDA!" sabay sigaw "WoHooooo!!!" Ganoon din ang paglalakbay ko sa buhay. Mas sakit, hirap, saya at ligaya. Pero kahit kailan hindi ako sumuko subalit ako'y mas lumaban.
Ang buhay mid-20's ko'y simple lang ngunit puno ng paglalakbay. Alam ko kung ano ang mga plano ko sa buhay. Alam mko kung saan ako patungo. At higit sa lahat alam ko kung ano ang gusto ko sa buhay. Sa mga taong nagsabi sa aking na pag nag 30 lang ako, dun ko lang malalaman kung ano ang gusto ko sa buhay. Hay naku, sorry na lang sa inyo dahil iba ako pina laki ng pamilya ko. Pina laki sa sa simpleng buhay. Buhay na puno ng pagpapahalaga sa mga simpleng bagay at simpleng kaganapan sa buhay. Hindi ata ito "mid-life crisis." Ito'y "ADVENTURES IN YOUR MID-20'S!"
No comments:
Post a Comment